^

Para Malibang

‘Patay kayo, mga corrupt’ (37)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NANLUMO na naman sina Mark at Aling Inday. Alam nilang si Arlene—ang multo nito-- ang nagtulak sa corrupt politician na magpakamatay sa bangin.

Si Mark ay nasa printing shop ng pamilya nang malaman ang nangyari sa umano’y tiwa­ling mayor.

Si Aling Inday ay nasa bahay, kasama ang asawa.  

Nasa balita sa TV ang ilang detalye. “Ayon sa driver-bodyguard ng mayor, ipinipilit ng mayor na may katabi itong multo ng dalaga, na nang-uusig umano sa mayor.

“Mayamaya raw ay nag-iba na ang kilos at pananalita ng mayor—umamin na ng lahat ng pangungurakot—na umano’y nawaldas sa mga babae nito…Kasunod ay tumalon na nga sa ba­ngin ang mayor…

“Natitiyak naman ng driver-bodyguard na wala siyang nakitang multo, nagsasalita raw mag-isa ang mayor. Duda niya’y nabaliw ang mayor o kaya’y nakunsensiya kaya umamin…

“Mula po dito sa pinangyarihan ng pagpapakamatay, ito ang inyong kapamilya, kapuso at kapatid—nag-uulat!”

Humagulhol na naman si Aling Inday. “Hu-hu-hu-huu. Wala na talagang pag-asa ang anak nating mapunta sa Langit. Naghihintay na siguro sa kanya si Satanas…”

Bumakas ang ligalig sa mukha ng ama ni Arlene. Nawala na ang pagmamalaki nito sa ginagawa ng anak.

Napabuntunghininga si Mang Baste. “Dati, Inday, sobrang pagmamalaki ko, bayani ang turing ko sa anak natin…

“Pero ngayon, nakita ko ang point mo, Inday…hindi na maka-Diyos ang pagpatay ni Arlene sa mga corrupt…

“Putsang ama kasi…bakit pa pinapatay? Bakit hindi na lang niya kunsensiyahin? Multuhin na lang hanggang sa maihi sa takot ang mga  hinayupak.”

ANG MULTO ni Arlene ay nasa malaking pagtitipon ng mga lingkod-bayan; mga dati at kasalukuyang tauhan ng gobyerno. May binabalak si Arlene na maglalagay sa alanganin sa mga ‘honorable’.

Nagsalita ang senior official. “Honorable colleagues, narito tayo para maghayag ng katapatan sa republika. Bawal ang corrupt!” (ABANGAN)

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

ALING INDAY

ARLENE

BRVBAR

INDAY

MANG BASTE

MAYOR

SI ALING INDAY

SI MARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with