Iba’t ibang klase ng condom (1)
Para sa mga ordinaryong mga lalaki, ang condom ay isang rubber o parang lobo na isinusuot sa penis sa pakikipag-sex. Ngunit para sa iba, kumplikado ang condom. Ginagamit ang condom para hindi mabuntis, bilang proteksiyon sa sexually transmitted disease (STD) at sexually transmitted infection (STI). Tulad ng beer, marami na ngayong variety ang condom kaya marami nang pagpipilian.
Walang eskuwelahang magtuturo kung paano pumili ng condom at ang pinakamabisang paraan ng pagpili ay ang ‘trial and error.’ Parang sa beer, kailangan munang subukan lahat bago pumili na sakto sa panlasa mo. May iba’t ibang size, klase, feature, flavor ang condoms na kailangang ikonsidera sa pagpili.
Latex - Ito ang karaniwang ginagamit na condom. Ito ang condom na gawa sa material na latex. Hindi ito puwedeng gamitan ng oil dahil posibleng masira ang condom. Gamitan ito ng water or silicon-based lube.
Non-Latex - Kung may isa sa inyong mag-partner na allergic sa latex, hindi ibig sabihin na huwag nang gumamit ng condom dahil mayroon namang polyurethane sheaths na kayang saluhin ang sperm at virus. (ITUTULOY)
- Latest