^

Para Malibang

‘Patay kayo, mga corrupt’ (28)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NABUGBOG na muna ni Arlene ang corrupt politician bago ito nakatakbo sa reception area ng sauna parlor.

Hustong kadarating lang ng sauna girl, kasama ang kailangan ng corrupt. “Sir, narito na po si Father Benito!”

Nabuhayan ng loob ang tiwa­ling pulitiko. “Father Benito, may abusado hong multo! Ginulpi ako at pinaratangang magnanakaw!”

Mahinahon ang alagad ng Diyos. “Kagagaling ko lang sa Tac­loban. Grabe ang hagupit doon ni Yolanda, congressman.”

Ang multo ni Arlene ay nakatanaw mula sa corridor, nagngi­ngitngit. “Father, di po ba ang Diyos lamang ang dapat humatol? Bakit naman po pati multo…?” Parang nilamukos ang mukha ng corrupt, parang batang inapi ng mundo.

“Magbihis ka muna kaya, congressman, mahalay ang hitsura mo.”

Ipinakuha ng pulitiko ang damit na naiwan sa cubicle. Takot na naroon pa ang multo.

“Lalaki ba o babae?”

“Ang alin po, Father? Ang nag-massage sa akin? Siyempre naman po babae. Macho po ako.”

 â€˜Yung gender ng multo ang itinatanong ko.”

“Kuwan, babae po. Bata pa, maganda, matapang.”

“Nakakalito, congressman. Sabi, walang gender ang multo. Spirits are supposed to be genderless.”

“Heto na po ang damit ninyo, sir,” sabi ng sauna girl. “Wala po namang multo doon.”

“Hayun! Oh my gosh, hayun siya! Ang multo!” Tarantang itinuro ng politician ang multo ni Arlene; nanatili itong nasa di-kalayuan, galit na nakamasid sa corrupt.

Matagal na tinitigan ng pari ang itinuro; maging ang sauna girl ay napatingin. Wala naman talaga silang nakitang multo.

Ang mga corrupt lamang ang nakakakita kay Arlene.

Nagbihis agad ang congressman, natataranta pa rin.

Sumunod ay iba na ang anyo nito—isa nang taong labis na nagsisisi.

“Congressman, umiiyak ka?” takang tanong ng pari.

“Padre…nais kong mangumpisal…napaka-corrupt ko.” (ITUTULOY)

ARLENE

BAKIT

BATA

CORRUPT

DIYOS

FATHER BENITO

GINULPI

MULTO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with