Laging bumabagsak sa exam
Panaginip: Bakit ganoon, lagi kong napapanaÂginipan na hindi ako makapasa sa exam. Sa unang panaginip, ang questions sa test ay hindi ko napag-aralan. Sa ikalawang pagkakataon, nawawala ang school uniform ko kaya hindi ako pinapasok ng school guard. Sa huling pagkakataon, naligaw ako at hindi alam ang daan papuntang school.---Scorpio-Dragon’88
Interpretation: Nasa isa kang sitwasyon na sinusubukan ang iyong kakayahan at dito nakasalalay ang iyong pag-asenso o pagbagsak ngunit may pakiramdam ka na hindi mo nagagampanan ang duties and responsibilities na ibinigay sa iyo dahil hindi nakahanda emotionally and physically.
- Latest