‘Patay kayo, Mga Corrupt’ (26)
NAPAKALAKING balita ang ginawang pagsosoli ng mga nakaw na yaman ng tatlong pulitikong mandarambong. Ang ill-gotten wealth na mababalik sa pondo ng bayan ay ikinatuwa nang husto ng mga mamamayan.
Nagbunyi sila, hindi itinago ang munting tagumpay laban sa mga nagwaldas ng pera ng bayan.
Sa isang portion ng lunsod, ang mga empleyadong pauwi na ay nagsagawa ng instant rally—hawak ang mga placards na biglaang ginawa.
Iba’t iba ang mensahe tungkol sa nabawing yaman ng mga tao.
NATAKOT SA MULTO KAYA NAKUNSENSIYA!
TAMA LANG NA ISOLI NINYO ANG PERA NAMIN!
TINGA LANG ANG SINOLI NINYO! MORE. MORE. MORE!
SANA PO, LORD, LAHAT NG MANDARAMBONG AY MAGSOLI! MGA GANID SILA!
BAKA SA INTERNATIONAL CASH DONATIONS NAMAN BABAWI ANG MGA HONORABLE?
DAPAT IKULONG PA RIN!
Tuwang-tuwa rin sina Aling Inday at Mark. Ang nanay at ang boyfriend ni Arlene ay naniniwalang nagbago na ng taktika ang multo.
“May palagay po akong hindi na papatay ng mga corrupt ang inyong anak, Aling Inday.â€
“Sana nga’y nakinig si Arlene sa ating panalangin, Mark. Ayoko talagang mabulid ang kaluluwa niya sa impiyerno.â€
MALING akala. Para kay Arlene, ang tatlong corrupt na nagbalik ng ill-gotten wealth na mula sa pondo ng bayan ay wala pang 10 per cent sa dami ng mga tiwaling akusado.
Hindi papayag ang dalaga na makalusot sa batas ang 90 porsyentog corrupt. Ano nga naman ang mga ito—sinuswerte?
Dinalaw niya ang isang corrupt habang nagpapasarap sa sauna.
“Kailan ka matitigok, bossing?†patuyang tanong ng multo.
Napaigtad ang tiwaling politician, nanayo ang balahibo sa takot.
Ang kasamang masahista ay di nakikita ang multo. “B-bakit po, congressman?â€
“N-narito ang multo, ‘day…t-tumawag ka n-ng p-pari…m-magdala ‘ka mo ng holy water…bilis!†(ITUTULOY)
- Latest