‘Patay kayo, mga corrupt’ (23)
PATULOY na pinipiga ni Arlene ang katotohanan, ayaw tantanan ang babaing hinihinalang utak ng pinakamalaking pangungurakot sa bansa. “Alam mo bang hanggang ngayon, nagdurusa ang Kabisayaang dinaanan ni Yolanda? Kung di ninyo kinurakot ang bilyun-bilyong piso, siguro’y nilaan iyon sa pagbili ng helicopters na magagamit sa relief operation.
“May malalayong isla at lugar na hindi maraÂting ng tulong dahil wasak ang mga daan at bagsak ang komunikasyon, Susana. Makunsensiya ka naman.†“Pati po ba pagdalaw ni Yolanda, kasalanan ko?†“Oo, kasalanan mo at ng mga kasabwat mong mandarambong! Kayo kasi ang nakinabang sa perang hindi naman sa inyo! Kung hindi ninyo ninakaw ang bilyun-bilyon, mas madali sanang natulungan ang mga biktima ni Yolanda.†Nakikinig lang ang hinihinalang utak.
“Magsalita ka, ibulgar mo na sabi ang malaÂlaking taong kasama mong nangurakot!â€
Umiling ang akusado. “I invoke my right po.â€
“Bukod sa makukulong kang mag-isa, mapupunta ka pa sa impiyerno, Susana Tamporanas. Ano’ng mapapala mo, ha?â€
Hindi umimik ang akusado.
“Lilisanin mo ba ang mundo na ikaw ay isinusumpa ng lahat ng tao, ha, Susana? Pati kaapu-apuhan mo, ikahihiyang sila’y kalahi mo.
“May tsansa ka pang gawin ang tama, bago maging huli ang lahat. Bago ka matigok.â€
Napalunok ang suspected mastermind. “N-nakasampa na po ang kaso kong plunder, Your Honor. M-magsasalita po ako sa tamang panahon.â€
“But tomorrow maybe too late. Alam mo ba ‘yon?â€
“Opo. Kanta po iyan ni Elvis—linya sa ‘It’s Now or Never’ po.â€
Naningkit na sa galit ang multo ng dalaga. Hindi madalumat kung paanong naging scam queen ang tangang babae.
“Huwag po, huwag n’yo muna akong itulak na magpakamatay, Your Honor…ilalabas ko rin po naman ang totoo…†Nagmamakaawa si Susana Tamporanas, seryosong luhaan; takot mamatay.
Sa unang pagkakataon ay nalito ang magandang multo. ITUTULOY
- Latest