‘Crab’, gamot sa cancer at sakit sa puso? (1)
Maraming nag-aakala na nagdadala ng mga sakit ang pagkain ng crab o alimango dahil nagtataglay daw ito ng mataas na cholesterol. Pero, ayon sa diethealthclub.com, maganda naman ang itinutulong ng pagkain ng crab sa ating kalusugan. Ayon sa mga nutritionist, mabuti sa katawan ang pagkain ng kinatatakutang alimango dahil nagtataglay ito ng amino acids at protina, mataas na lebel na minerals, calcium, copper, zinc, phosphorus at iron pero, mababa sa fats at carbohydrates. Narito pa ang ilang benepisyo ng crab:
Mahusay sa mga diabetics – Kasama ng iba pang mga shellfish, ang crab ay may mataas na chorommium, na tumutulong sa insulin na ma-regulate ang sugar sa iyong katawan.
Anti-cancer – May mataas na selenium din ang crab. Ang selenium ay kilala bilang anti-oxidant at inaalis nito ang mga carcinogenic effect ng cadmium, mercury at arsenic na nagiging sanhi ng tumor. Kung mataas ang selenium na taglay ng iyong dugo tiyak na mababa ang posibilidad na magkaroon ng cancer. Sa katunayan ang “lysate†na nakukuha mula sa katas ng horse-shoe crab ay isa sa mga ginagamit na pangdiskubre sa sakit na spinal meningitis at panlaban sa cancer.
Mataas ang cholesterol? – Ang blue crab ay mayroong 28mg ng cholesterol per ounce, Dungeness crabs ay 22 mg cholesterol ang Alaska king crab ay may 15 mg na cholesterol habang ang manko naman ay 22mg cholesterol, ang sirloin steak ay 25mg cholesterol. Kung susuriin hindi naglalayo ang taglay na cholesterol ng mga pagkaing ito, pero may bentahe pa rin sa crab dahil ang chromium na taglay nito ay tumutulong sa iyong katawan na magkaroon ng mataas na HDL o good cholesterol sa katawan kaya maiiwasan ang pag-atake ng stroke at heart disease. (Itutuloy)
- Latest