^

Para Malibang

‘Patay kayo, mga corrupt’ (22)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

BIGAY-DAMDAMIN ang pagkanta ng suspected mastermind ng bilyun-bilyong pondong nanakaw sa bayan. Napapaluha pa nga si Susana Tamporanas. “Napakasakiiit, Kuya Eddie…ang sinapit ng aking buhaaay…napakasakiiit…”

Nang matapos ay tuluyan nang napahagulhol. “Hu-hu-hu-huuu.”

“Susay, lakasan mo ang loob mo,” sabi ng pinsan nitong si Upeng. “Uuwi na muna ‘ko. Ano palang ulam ang dadalhin ko sa’yo bukas?”

“Ginataang kuhol, maraming sili. Saka brown rice.” Nagpapahid ng luha ang may-edad nang suspect.

Pagkaalis ng pinsan ay lalo pang nag-emote si Susay. “Bakit ako lang ang nakakulong?  Na para bang ako lang ang walang kunsensiya…?”

Biglang lumitaw ang multo ni Arlene, galit kay Susay.

Napaigtad ang suspected mastermind. “Kunsensiya?”

Gusto na itong murahin at sakalin ni Arlene. Gayunma’y pinanaig ang hinahon. Aabutin niya ang puso ng babaing susi sa pinakamalaking pandarambong.

“H-hindi kita kamukha, kung gano’n hindi ikaw ang aking kunsensiya.” Pinipigil ni Susay ang takot sa taga-kabilang buhay.

“N-nabalitaan na kita. Ikaw ang nagmumulto sa mga kaibigan kong—eheste sa mga taga-kongreso at taga-gobyerno na may mga kaso.”

Nagtimpi si Arlene. “Kukunin kita sa paupo, Miss Tamporanas. Bago mahuli ang lahat, bago ka mapatay ng mga taong kasabwat mo—o kaya’y bago kita mapatay—dapat ka nang kumanta.”

“K-kakakanta ko lang po, Your Honor, ‘Napakasakit, Kuya Eddie’ po, maniwala kayo.”

“Ibig kong sabihin, sabihin mo na  ang mga nalalaman mo. Kung sinu-sino talaga ang ka-deal mo sa gobyerno at kongreso…”

Saglit lang nag-isip ang hinihinalang utak. “I invoke my right against self-incrimination po.” 

Nais nang humulagpos ang pasensiya ni Arlene. “Alam mo bang kung hindi ka mapapatay, ikaw ay makukulong ng mula 20 hanggang 40 taon?”

Umiling ang akusado. “Malabo pong mangyari ‘yon. Meron akong high blood saka alta presyon kahit hindi ako mahilig sa pork. Hindi po ako aabutin ng 20 years, matitigok agad sa sakit.” ITUTULOY                                                                                                    

 

vuukle comment

AABUTIN

ALAM

ARLENE

KUYA EDDIE

MISS TAMPORANAS

SUSANA TAMPORANAS

SUSAY

YOUR HONOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with