‘Patay kayo, mga corrupt’ (20)
SAKAY ng hangin, sinundan ni Arlene ang magandang executive car na palabas ng munisipyo. May driver-bodyguard ang lulan nitong punong-bayan. Alam na ng multo ang likaw ng bituka ng trapo.
Kaydaling napasok ni Arlene ang sasakyan.
Napaigtad ang punong-bayan, katabi nito ang galit na multo ni Arlene. “Holy bastard…â€
“Kumusta ka, Mayor Dayucduc? Bagay sa iyo ang pangalan mo.†Naririnig at nakikita si Arlene ng masasamang tao.
Hindi siya nakikita-naririnig ng driver-bodyguard.
“Utang na loob, m-miss multo…hindi ako bigtime mandarambong…’yung mga nasa kongreso at senado at gobyerno-nasyonal ang tutukan mo…â€
“Hindi barya-barya ang ninakaw mong 90 million, Mayor, sa nagdaang sampung taon.â€
“P-Pero utos ‘yon sa itaas, m-miss…â€
“Paano na ang pera ng bayan? Hindi inyo ‘yon, para sa mga magsasaka ‘yon, †diin ng multo, pinisil sa leeg ang trapo.
“N-nawala na ang pera…n-nagasta na namin…u-ubos na.â€
“Ubos na rin ang pasensiya ng bayang ninakawan, Mayor Dayucduc.â€
Pumilig-pilig ang mayor, naging blangko ang mga mata.
Mayamaya’y kinalabit ang walang kamalay-malay na driver-bodyguard. Napaigtad ito, natakot sa kakaibang anyo ng mayor.
“M-Mayor, napaano kayo?â€
“Itigil mo…dali!â€
SCREECHH. Napabigla ang preno, napasubsob ang punong-bayan.
Pero saglit lang, lumabas agad ito ng sasakyan, Patungo sa nagsisipagtanim ng palay, sa bukid na tabi ng highway.
“Mayor…?†Nakalabas na rin ang driver, nagtaka. “Mayor, l-lulusong kayo sa putikang bukid? Mangangampanya kayo?â€
Natawag ang pansin ng mga manananim. “Si Mayor Dayucduc!â€
Walang seremonyas na naglublob sa taniman ng palay ang mayor.
Saka nangumpisal. “Ibinulsa ko ang pondong laan sa mga pataba! Dapat akong suwagin ng kalabaw!â€
TSAG. Nagpasuwag nga sa kalabaw, inabot sa leeg at dibdib. Patay agad ang tiwaling mayor. (ITUTULOY)
- Latest