ALAM N’YO BA?
Alam n’yo ba na ang barley ay ginagawa rin beer? Habang ang iba naman ay ipinapakain sa hayop. Ayon sa mga historians, isa ang barley sa mga importanteng pagkaing butil noong unang panahon sa buong kontinente ng Europa. Ginagamit din ito bilang pera upang maipambili ng ibang uri ng pagkain. Ang Barley ay itinatanim ng mga Aymara sa lupang may taas na 15,420 ft. at malapit sa ilog Titicaca. Ang ilog na ito ay nasa pagitan ng Peru at Bolivia. Ang mga taong Aymara ay nagsasagawa pa rin ng sinaunang sistema ng pagtatanim. Itinatanim naman nila ang mga patatas at iba pang uri ng gulay sa mga mababang lugar at malayo sa barley.
- Latest