Mga kakaibang bagay ukol sa sex (1)
Marami ang nagsasabi, ang sex ay napakasarap, napakaganda at exciting na bagay para gawin mo ito o gawin ng madalas. Ngunit hindi ganito ang kaso sa lahat ng pagkakataon. Ngunit narito ang mga bagay na na nakalap ng Complex City Guide magazine para mag-iba ang pag-iisip ukol sa sex.
Blowjob sa sarili - Kung iisipin ay mahirap itong gawin pero posible. Ngunit may iilang lalaki sa buong mundo ang nakagagawa nito. Kailangang maging flexible o maging isang contortionist para maabot ng iyong bibig ang sarili mong penis. Kung magawa mo man ito, siguradong mahirap itong makaabot ng orgasms.
Nakakaliit ng penis ang paninigarilyo - Kung naninigarilyo ka, may dagdag ka nang dahilan para tigilan na ito. Ayon sa mga pag-aaral, naka-erect man o hindi, ang size ng penis ay depende sa dami ng dugo sa naturang organ. Kapag kaunti ang dugo, mas maliit ang penis. Ang paninigarilyo ay nagpapaliit o nagpapanipis ng arteries o ugat kabilang ang mga ugat na nagdadala ng dugo sa penis. Kaya ang paninigarilyo ay naglilimita ng daloy ng dugo sa penis kaya lumiliit ito.
Injury dahil sa sex - Alam n’yo bang maraming nai-injury na may kinalaman sa sex. Marami kasi ang nag-ieksperimento sa sex. Kung anu-ano ang ginagawa para mas maging exciting ang pakikipag-sex. At di maiiwasan na may masaktan o ma-injury. Kaya mga kuya.. ingat!!! (ITUTULOY)
- Latest