‘Patay kayo, mga corrupt’ (17)
“PAHAMAK ka, Juan, akala ko pa naman makakabili ka ng pangontra ko sa multo!†gigil na sigaw ng pulitiko sa tauhan. “Paano kung bigla akong saniban ng pakialamerong multo, ha?â€
“Ser, bakit kayo matatakot e sabi n’yo naman e hindi kayo corrupt? Mga corrupt lang ho ang minumulto at nagpapakamatay…†salag ng tauhang driver. Nasubaybayan nito sa radyo at telebisyon ang sunud-sunod na pagpapatiwakal ng tatlong mandarambong ng bayan.
“Talagang hindi ako corrupt, Juan! Nag-aalala lang akong baka mapagkamalan ng…ng multo o mga multong ‘yon!â€
Napakamot ang driver. “Kung gusto n’yo, ser, para walang multong lalapit sa inyo kung sakali, magsabit kayo ng scapular saka magbaon kayo ng rosaryong benditado.â€
Nagningning ang mata ng pulitikong kurakot. Oo nga, bakit nga ba hindi? Gaganda pa ang iÂmage niya sa tao—kung siya’y relihiyoso.
“Pupunta tayo sa Antipolo, Juan! Doon ako bibili ng scapular at rosaryo! Pabebendisyunan natin sa pari!†“E, puwede po bang magtanong, ser?â€
“Ano ‘yon, Juan?â€
“Malayo po dito ang Antipolo, bakit po di na lang sa Baclaran o kaya’y sa Malate?†Napikon agad ang pulitikong corrupt. “Kasi po, Juan tanga, sa Antipolo ay mas malapit sa langit ang simbahan—sabi ng nanay ko, mas madaling makarating doon ang grasya ni Lord!â€
Napatanga si Juan. Gano’n nga ba ‘yon?
Aba, doon na lang pala siya magdarasal sa Baguio Cathedral; mas mataas ‘yon kaysa sa Antipolo!
PAAKYAT na sa Antipolo sina Aling Inday at Mark nang maabala ng kaguluhan sa daan. May nakahandusay na patay sa gitna ng kalye.
“Oh my God…si Ex-congressman ng unang distrito!†Ito rin ang pulitikong magpapabendisyon sana ng scapular at rosary sa Antipolo. Sabi ng pulisya, ito’y sumisigaw daw bago nagpabundol sa 10-wheeler truck. “INAAMIN KO NA, MULTO! TAMA ANG EBIDENSIYA—NANDAMBONG AKO NG 170 MILYONES!â€. Nagkatinginan ang nanay at ang nobyo ni Arlene. Nanlumo sila sa nangyaring kamatayan. ITUTULOY
- Latest