^

Para Malibang

Hindi maka-move-on sa pagkamatay ng gf...

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Dati po akong taxi driver. Sa aking pagpapasada, mayroon akong pasaherong naging kaki­l­ala. Mga 1 year ko rin siyang naging regular na pasahero at sa mga panahong ito, na-develop ang feelings ko sa kanya. Kahit asiwa ang katayuan namin sa buhay, minabuti kong iparamdam sa kanya ang nararamdaman ko. Hindi naman ako nabigo at sinagot niya ako. Mabait siya at maunawain. Kaya naman itinuturing kong isang malaking suwerte sa akin ang pagkakaroon namin ng relasyon dahil naging pursigido ako sa trabaho. Ang akala ko wala nang katapusan ang aming kaligayahan. Isang araw ay nabalitaan ko na naaksidente siya at namatay. Halos magsisigaw ako sa iyak. Sa burol niya ay hindi na ako nagpakilala bilang nobyo niya. Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap na wala na siya. Sa pagkamatay ng minamahal ko, natuto akong maglasing at mag-droga. Ngayon pong nalalapit ang Pasko lalo ko siyang nami-miss. - Berting

Dear Berting,

Ang pagpanaw ng isang minamahal ay hindi dapat ma­ging daan para maliko ng landas ang naiwang kasintahan o kabiyak ng puso. Marahil, inibig ng kapalaran na maaga siyang kunin dahil tapos na ang misyong dapat niyang gampanan sa mundo. Ang dapat mong ginawa ay pagyamanin ang mga naiwan niyang magaganda at masasa­yang alaala niya sa iyo. Natityak kong hindi siya matatahimik kung ang kanyang minamahal ay magpapakasama at maliligaw ng landas. Kaya sikapin mong magbago, talikdan ang mga likong gawa at matutuhang bumangon sa kinadapaan. Hindi pa katapusan ng mundo. Makakatagpo ka rin ng bagong pag-ibig.

Sumasaiyo,

Vanezza

BERTING

DATI

DEAR BERTING

DEAR VANEZZA

HANGGANG

ISANG

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with