Bakit ka tini-tagihawat? (3)
10 Gabay upang maiwasan ang tagihawat
2. Moisturize. Karamihan sa tagihawat ay may mga sangkap na nakaka-dry at pamamalat ng balat moisturizer upang maiwasan ito ay marapat na gumamit ng moisturizer para mabawasan ang pamamalat at pagka-dry. Tingan ang label na may “noncomedogenic†na ibig sabihin ay hindi nakakapagdulot ng tagihawat. May mga moisturizer sadyang ginawa para sa oily, dry, kombinasyon ng oily at dry skin.
3. Gumamit ng mga over-the-counter na produkto. Ang mga produktong para sa tagihawat ay hindi nangangailangan ng reseta ng doctor upang makaÂbili nito. Mayroong ingredients katulad ng benzoyl peroxide at salicylic acid ang mga produktong pang tagihawat na pang pigil sa bactirya at pangpatuyo ng balat. Sa paggamit ng mga produktong ito ay ibayong pag-iingat ang kailangan kapag ikaw ay may sensetibong balat.
4. Limitahan ang paggamit ng makeup. Sa oras na magsimula ng dumami ang tagihawat, iwasang gumamit ng foundation, powder, blush. Kung ikaw man ay gumamit ng makeup maghilamos ng mukha pagkatapos ng isang buong mag hapon. Pumili ng mga oil-free cosmetics na walang added dyes at kememikal. Gumamit ng makeup na may label na “noncomedogenic,†na ang ibig sabihin ay hindi nakakatagihawat. Basahing mabuti ang lebel ng mga produkto na iyong gagamitin bago ito bilhin.
- Latest