Gusto ng tumikim ng iba...
Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Santi, 49 years old. Ang misis ko ay 52 years old. Naging tapat ako sa misis ko at ni minsan ay hindi ako nambabae. Pero heto ang problema ko. Dalawang taon na kaming hindi nagsisiping. Noong araw, naging madalang lang, minsan sa dalawang buwan. Hanggang sa nabanas na ako sa kakatanggi niya kaya hindi na lang ako humihingi ng sex. Sa kabila nito’y nagtiis ako. Pero may pangangailangan din ang katawan ko na hindi na niya matugunan. Puwede ko bang i-justify kung ako’y titikim sa iba? Ayaw ko sanang gawin ito. Ano kaya ang dahilan ng panlalamig niya?
Dear Santi,
Walang ano mang justification ang paggawa ng kasalanan. Bakit hindi mo kausapin ang misis mo at alamin ang dahilan ng kanyang panlalamig. Baka naman kaya tumatanggi siya noon ay dahil wala siya sa mood, pagod o may dinaramdam. Ang problema, hindi ninyo tinangkang pag-usapan ito at hinayaan na ninyong manlamig ang isa’t isa. Mag-asawa kayo at hindi ibang tao, kaya wag ninyong lagyan ng harang ang inyong komunikasyon. Baka ikaw lang din ang hinihintay n’ya kaya mag-usap kayo.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest