Long Distance Relationship
Dear Vanezza,
Nais ko pong humingi ng payo. Tawagin niyo na lang po akong Tina. Ako po ay nasa isang long distance relationship. Two years na po kami ng boyfriend ko. Noong una, hindi siya gaanong seryoso sa akin at madami po siyang bisyo pero noong tumagal, nakita ko ang changes sa kanya kasi wala po akong ibang ginawa kundi magdasal na sana magbago na siya. Maayos po ang aming relasyon ng malaman ko na lang na mag-a-abroad na pala siya. Sobra po akong na-depressed at iyak lang ako ng iyak. Nangako naman siya sa akin na kami pa rin, pero nag-aalala pa rin ako kasi alam ko madaming magaganda sa Amerika. Hanggang sa umalis na nga siya. Hindi namin alam kung gaano katagal siya doon, pero palagi pa rin po kaming nag-uusap sa chat at sa phone. Ang problema ko po, parang napapagod na ako sa ganitong klase ng relasyon. Mahal ko siya pero hindi ko maiwasang isipin kung hanggang kailan ang ganitong set-up ng relasyon, dahil siya mismo hindi alam kung kailan siya babalik. Hirap na hirap na po talaga ako. Anong gagawin ko?
Dear Tina,
Sadyang napakahirap ng inyong sitwasyon at kailangan ng matinding tiwala at pag-unawa sa isa’t isa. Hindi rin maiwasang dumating ang pagkakataon na hanapin mo ang preÂsence ng iyong minamahal. ‘Yung nakakasama mo at nakakaramay mo sa lahat ng pagkakataon. Ngayon, kung napapagod ka na sa uri ng inyong relasyon, kausapin mo siya. Ipaalam mo sa kanya ang nararamdaman mo. Nasa sa inyo ang desisyon kung ipagpapatuloy niyo pa ba o hindi na. Tanging kayo lamang din ang nakakaalam kung ano ang makakabuti sa inyo.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest