Walnut para sa iyong kagandahan...
Ito ay huling bahagi ng paksa hinggil sa benepisyo ng walnut sa balat at kung paano nito mapapanatili ang bata at magandang itsura ng balat.
Gamot para sa skin infection – Bukod sa pagpapaganda, nagagamot din ng walnut oil ang mga impeksiyon sa balat. Kilala kasi ang walnut oil na nagtataglay ng kemikal bilang antifungal at anti-inflammatory gaya ng alipunga, psoriasis at candida.
Makinis na balat – Bukod sa paglaban nito sa pangungulubot ng iyong balat, pinakikinis din nito ang buong balat mo sa katawan. Mayaman kasi sa vitamin E ang walnut kaya napoproteksiyunan nito ang iyong balat sa pagkasira bunsod ng sobrang init na dulot ng araw. Marami rin taglay na omega-3 fats ang walnut na nagpapatibay sa skin cells kaya napapanatili ang moisture ng balat.
Magandang buhok – Maraming hindi nakakabatid na kasama ang walnut oil sa mga sangkap sa mga hair care products na nasa merkado. Nakakapagpaitim at nakakapagpalambot ito ng buhok. Nagtataglay ng biotin ang walnut na siyang importante para tumibay ang bawat hibla ng iyong buhok.
- Latest