Aids (3)
Palatandaan: Kabilang sa mga sintomas ng pagkakaroon ng HIV at AIDS: !) ang pamamaga ng mga kulani (lymph nodes) na tumatagal ng may mga tatlong buwan,
2) Pag-ubo at pagkakaroon ng lagnat na tumatagal ng may higit sa isang buwan.
3) Pagiging madaling mapagod kahit wala namang ginagawa.
4) Ang pagbaba ng timbang, pangangayayat,
5) Mga sugat o sakit sa balat na hindi gumagaling.
6) Pagtatae.
Maaaring tumagal ang impeksiyon simula 5-10 taon bago maging ganap na AIDS ang sakit. Sa kadalasan, walang nakikitang mga palatandaan ang isang taong may impeksiyon sa HIV.
Paano naisasalin ang HIV sa ibang tao? Ito ay sa pamamagitan ng
1) Pakikipagtalik na walang proteksiyon sa isang taong may HIV o AIDS,
2) Sa pagsasalin ng nakontaminahang dugo,
3) Sa paghiram ng heringgilyang ginamit ng taong may HIV/AIDS,
4) Paggamit ng mga hindi malinis na karayom ginamit sa pagpapatattoo o body piercing,
5) Ang isang inang may HIV o AIDS sa kapanahunan ng pagdadalantao, panganganak at pagpapasuso ay makakahawa sa kanyang sanggol.
Ang sinumang napatunayang positibo sa HIV ay maaaring maisalin o mahawaan ang iba kaya’t hindi siya maaaring magbigay ng kaniyang dugo, plasma, organ, at semilya. Ang isang taong may impeksiyon sa HIV ay nararapat lamang na balaan ang sinuman na kaniyang makakatalik tungkol sa kaniyang pagiging positibo sa HIV. Ipinapayo na gumamit ng proteksiyon gaya ng paggamit ng kondom. May panganib na mahawa sa impeksiyon kahit na gumamit ng kondom kapag nabutas ito.
Hindi nakukuha ang HIV mula sa:
1) Paghahalikan
2) Laway
3) Yakapan
4) Pag-ubo
5) Luha
6) Pawis
7) Pagbahing
8) Pakikipagkamayan
9) Paghihiraman ng damit
10) Pakikisalo sa pagkain
11) Paghiram ng kubÂyertos
12) Kagat ng lamok
13) Paggamit ng kubeta.
- Latest