‘The Kiss’ (34)
“SASAMA ako sa iyo, Sam! Dalawa tayong hahadlang sa vampire na bumihag kay Natalie! Hindi natin siya hahayaang maging bampira!†matatag na sabi ng pari.
Nabuhayan ng loob ang binata. “Salamat po at naniniwala kayo sa akin, Father Renzo.â€
“Teka, Sam, saan ba natin hahanapin…?â€
Napabuntunghininga ang binata. “Magbabakasakali po tayo sa tatlong gulod sa mga karatig-bayan. Baka iyon ang sinasabi ng vampire na mataas na lugar—na may ‘sagisag ng wasak na simbolo ng sinaunang relihiyon’.â€
Natigilan ang alagad ng Diyos. “Are you saying na ang mga gulod ay may mga lumang simbahang Kristiyano?â€
Tumango ang binata. “Opo. Actually, chapels sila na nasira ng giyera, matagal nang abandonado…â€
“Interesting!†Hawak ng binata ang elephant gun. “Ako po ang papatay sa vampire, Father. Kayo ang magtataas ng krus, ang magwiwisik ng agua bendita.†“Hindi mo isinali si Natalie sa eksena?â€
“Ilalabas po natin siya sa puwersa ng kadiliman. Ibabalik sa hukay, ipagkakatiwala sa kalinga ng Diyos.†Naunawaan na ni Sam na hindi dapat mabuhay ang matagal nang patay; handa siyang isakripisyo ang pag-ibig.
“Ngayon na ba tayo aalis, Sam?â€
Umalis sila nang araw ding iyon. uunahan nila ang pagdating ng kabilugan ng buwan. NAKABALIK na si Vincento mula sa buwan, kasama ang bihag na kaluluwa ni Natalie.
“Magkakasama na kayo ng katawan mong binuhay ko, kaluluwa!†sabi ni Vincento. Inilabas ng vampire ang mga pangil. “Magiging tao na siyang may isip at ispiritu.â€
“Napakasama mo, wala kang karapatang babuyin ang katawang-lupa ko!†singhal ng kaluluwa.
Naligalig ang vampire, hindi makita sa guho ang bangkay na binuhay. “N-nawawala si Natalie, kaluluwa! Sinuway ang utos kong huwag umalis!â€
SI NATALIE ay nasa kalye na ng Pugad-Lamok, tinatahulan ng mga aso. “Kaw-kaw-kaw-kaww!†ITUTULOY
- Latest