^

Para Malibang

Sinisiraan ng mga biyenan

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Milah, 27 years old at plain housewife. Nagtatrabaho sa Dubai ang mister ko at minsan lang sa loob ng 3 taon kami kung magkita. Sa kabila niyan, tapat ako sa kanya. Alam kong nagsasakripisyo siya sa ibang bansa para lamang magkaroon kami ng mabu­ting kinabukasan ng aming anak. Ang problema ko ay ang aking mga biyenan. Nalaman ko na sinisiraan nila ako sa aking asawa, kesyo may kinalolokohan akong lalaki. Nang magkausap kami sa cell phone ng mister ko, sinabi niyang hindi siya naniniwala kaya huwag akong mag-alala. At talagang hindi siya dapat maniwala. Maayos kong ginagastos ang ipinapadala niyang pera at nakapagtayo na kami ng sariling bahay. Nakapagpundar din ako ng grocery kahit wala siya. Paano ko kaya itatrato ang aking biyenan sa harap ng mga paninirang ginagawa niya sa akin?

Dear Milah,

Dedmahin mo na lang ang paninira ng iyong mga biyenan. Tutal hindi naman naniniwala ang mister mo at maliwanag ang ebidensiya ng iyong katapatan. Kapag magkakaharap kayo ng iyong in-laws, pakitaan mo lang sila nang mabuti. May kasabihang “you can never put a good person down”. Kapag ang masamang ginagawa sa iyo ay ginagantihan mo ng kabutihan, lalo ka pang pagpapalain ng Dios. Kung pinapakitaan ka nila ng hindi maganda, sila ang nagkakasala at hindi ikaw.

Sumasaiyo,

Vanezza

ALAM

DEAR MILAH

DEAR VANEZZA

DEDMAHIN

DIOS

DUBAI

KAPAG

MAAYOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with