Chikungunya (1)
Chikungunya ay isang viral desease na naipapasa sa tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok na Aedes Aegypti. Ang Chikungunya (CHIKV) virus ay kabilang sa genus Alphavirus, sa pamilya ng Togaviridae. CHIKV ay unang natuklasan sa liblib na lugar ng Tanzania noong 1953, at nakita uli sa kanluran, gitna at timog Aprika at maraming lugar sa Asia. Ang virus ay lumaganap sa lahat ng dako ng Aprika, na nasasalin lang nung una sa ungoy at lamok.
Sintomas ng Chikungunya
Ang sintomas ng Chikungunya ay kinabibilangan ng debilitating arthralgia (pananakit ng kasukasuan), pamamaga ng kasukasuan, hindi makakilos ng maayos, myalgia (pananakit ng kalamnan), pananakit ng ulo, kapaguran, pagkahilo, pagsusuka, pamamantal sa balat at lagnat.
Ang incubation period (mula sa impeksiyon hanggang sa karamdaman) maaring 2-12 araw, pero karaniwang 3-7 araw. Ang acute Chikungunya fever ay karaniwang tumatagal ng ilang araw hanggang ilang linggo, pero may ilang pasyente na tumagal ang panghahapo ng ilang linggo. May ilang mga pasyente na naitala na ang pananakit ng mga kasukasuan o arthritis na tumatagal ng ilang linggo hanggang ilang buwan. Wala namang naitalang pagkamatay, pinsala sa utak, at anomang abnormal na pagdurugo.
Paano ba lumalaganap ang Chikungunya?
CHIKV ay kumakalat sa pamamagitan ng kagat ng infected na lamok. Ang lamok ay nagiging infected kapag ang lamok ay kumagat sa taong infected ng CHIKV. Unggoy at iba pang mga hayop sa ilang ay puwedeng pagmulan ng virus. Ang infected na lamok ay maaaring magkalat ng virus sa tao kapag itoy kanilang kinagat. (Itutuloy)
- Latest