Ang water element at kulay blue
Sa Feng Shui, ang blue at black ay simbolo ng water element. Ang water naman ay sinisimbolo ng wealth o pera. Ang kapartner na direction ng water element ay north. Sa north corner ng inyong bahay mainam ilagay ang fountain, aquarium, poster ng falls at iba pang water feature upang makamtan ang money luck. Dito rin mainam gumamit ng kulay blue, halimbawa blue curtain o blue paint. Ngunit masama rin ang sobrang paggamit ng blue. Iwasang gumamit blue paint sa bubong at kisame ng bahay. Nagsasaad ito ng pagkalunod (simbolo ng paghihirap) dahil nakatira kayo sa ilalim ng tubig.
Sa kabilang banda, okey din gumamit ng water feature sa East at Southeast. Ang kapartner na element ng east at southeast ay wood. Hindi ba’t binubuhay ng water ang wood? Therefore, compatible ang dalawang element. Kaya ang fountain o aquarium sa east at southeast ay magdudulot ng health at wealth luck. Itutuloy
- Latest