Takot sa katotohanan
Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Aly. Nagkaroon ako ng relasyon sa aking professor at ito’y mag-iisang taon na. Nabuntis ako kaya nagpunta ako sa isang malayong probinsiya, sa mga kaanak ng best friend ko dahil natatakot ako sa maaring mangyari kapag nalaman ito ng aking mga magulang. Kahit ang teacher ko na naging karelasyon ko ay hindi alam kung nasan ako. May 3 buwan na akong hindi umuuwi at hinihimok na ako ng mga magulang ng friend ko na umuwi na at magsabi nang totoo sa aking mga magulang. Mayroon kamag-anak ang aking friend na gustong ampunin ang aking isisilang na anak. Tama ba ang gagawin ko kung ipaaampon ko ang magiging baby ko?
Dear Aly,
Ang pinakamainam mong magagawa ay bumalik sa iyong mga magulang and tell the truth. Sa tagal ng pagkawala mo ay tiyak na nag-aalala na ang parents mo at baka magkasakit sila. Walang magulang na makatitiis sa anak at naniniwala akong magalit man sila sa umpisa ay mauunawaan ka nila. Kaya huwag kang matakot na humarap sa kanila. Nakagawa ka ng mali, ituwid mo at harapin ang bunga ng iyong kamalian.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest