^

Para Malibang

Hangad ang magandang kinabukasan ng anak

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Chad, 41. Limang taon na akong hiwalay sa asawa. Matapos ang annulment at lumipad siya papuntang Amerika ay nakapag-asawa na siya roon. Naiwan sa akin ang kaisa-isa na­ming anak na babae na 5-years old na ngayon. Mahal na mahal ko ang anak ko at kahit mahirap, itinataguyod kong mag-isa ang pag-aaral niya. Paminsan-minsan ay pinadadalhan siya ng pera ng kanyang ina pero napakadalang mangyari noon. Ni hindi na niya kilala ngayon ang kanyang ina. Pero ang hindi ko matanggap, gusto ng dati kong asawa na kunin ang aming anak. Tumututol ang aking damdamin pero kapag iniisip ko ang maganda niyang kinabukasan sa Amerika ay parang gusto ko nang pumayag. Ano ang gagawin ko?

Dear Chad,

Kung kaya mo rin lang arugain ang anak mo nang nag-iisa ay huwag ka na lang pumayag na mapunta siya sa piling ng kanyang ina. Maguguluhan lang ang isip ng bata at makakaapekto sa kanyang psychological development. Mas matagal ang inilagi ng anak mo sa iyong piling kaya magiging traumatic para sa kanya na mapunta sa isang lugar na malayo sa iyo. Ngunit kung hindi mo talaga kaya, mabuti rin sigurong ibigay mo na lang siya sa kanyang ina. Masakit ito para sa inyong mag-ama pero may kasabihang time heals all wounds.

Sumasaiyo,

Vanezza

AMERIKA

ANO

DEAR CHAD

DEAR VANEZZA

LIMANG

MAGUGULUHAN

MASAKIT

MATAPOS

NAIWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with