^

Para Malibang

‘The Kiss’ (2)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAKATUNGHAY sa bangkay ni Natalie si Sam, naliligalig ang binata. “Ito na ba ang senyales, Natalie?”

Ang bangkay ay nasa kabaong na may takip na makapal na salamin. Nakikita ang buong katauhan ni Natalie mula ulo hanggang paa.

Kumbinsido si Sam na hindi nga nagbago ang anyo ng kasintahan sa nagdaang sampung taon. Ito pa rin ang Natalie na napakaganda, batambata sa gulang na 22 nang mamatay.

Hindi tumanda ang anyo, hindi nagbago ang magandang hubog ng katawan ni Natalie. “Para ka lang natutulog, my love…”

Ang damit na pamburol ay hindi na rin pinalitan; maging ito ay hindi nagbago ng kundisyon, para pa ring bago.

Nangangamba nga si Sam. Hindi siya naniniwalang nakatakdang maging santa si Natalie. Iba ang nagaganap base sa mga pangyayari may sampung taon na ang nakararaan.

Umiling ang binata. Ayaw niyang isi­ping totoo ang pangamba noon ng nobya. “I won’t even think about it, Natalie.”

Sa musoleong kinalalagakan ng bangkay ni Natalie, walang anumang equipment o gadget na magpepreserba sa estado ng yumao.

Gustong sagarin ng mga magulang ni Natalie ang posibilidad—na ang bangkay ng kanilang anak ay hindi pa rin maaagnas kahit wala na sa hukay.

Kung si Natalie ay biglang mabubulok, so be it. Ibig lang daw sabihin, hindi takdang maging santa ang dalaga; may ibang dahilan na nagpreserba sa bangkay nito na siguro nga’y kayang ipaliwanag ng siyensiya.

“Gusto ko ring isipin na nagkataon lang na hindi ka naagnas, na walang kinalaman sa sinabi mo sa akin noon ang nagaganap, Natalie…”

Limitado ang nakapapasok sa musoleo para dalawin si Natalie—si Sam at ang mga magulang lamang ng dalaga.

Pribadung-pribado ang himlayang ito ni Natalie, hindi puwedeng usyosohin ng ibang tao, kahit pa ang media.

Napalunok si Sam. Biglang nasabik siyang hipuin man lang ang mukha ng bangkay. Haplos ng pagmamahal ang gagawin ng binata.

Marahang inangat niya ang salaming takip ng kabaong.

“Natalie…ako’y normal na tumanda nang sampung taon mulang mamatay ka…and I’m still in love with you.”

 Unti-unti na niyang dinama ang pisngi ni Natalie.

Napaigtad si Sam. “Oh my God…”

 (ITUTULOY)

 

vuukle comment

AYAW

BANGKAY

BIGLANG

GUSTONG

HAPLOS

IBIG

NATALIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with