Dengue Hemorrhagic Fever (1)
Ang Dengue Hemorrhagic Fever (DHF, H-fever) ay isang “acute infectious viral disease†na kadalasang nakakaapekto o nakukuha sa kagat ng lamok. Kadalasan ay sumusulpot ang dengue sa mga tropikong mga lugar na tag-init at tag-ulan ang klima, tulad ng mga bansa sa Asya. Kasama na rito ang Pilipinas maraming bilang ng dengue tuwing sumasapit ang tag-ulang.
Mga sintomas ng dengue.
Kung mayroon nang dugo sa dumi o suka ng pasyente, tinatawag itong Dengue Shock Syndrome at kadalasan ay nakamamatay. Ang aedes aegypti ang lamok na salot na nagdadala ng dengue. Ang mga lamok na ganito ay itinuturing na “day biters†dahil sa araw sila sumasalakay. Mayroong dalawang peak ng kanilang biting activities: isa sa umaga (sunrise) at isa pa sa dapit-hapon (dusk) bago lumubog ang araw. Naisasalin ito sa pamamagitan ng babaeng aedes na nangingitlog sa non-polluted o malinis na tubig, na kadalasang naiipon sa loob ng bahay o sa labas, natural o artipisyal na water containers. Nangingitlog sila sa mga flower vases, lata, alulod o daluyan ng tubig, mga gulong, at iba pang maaaring mapag-ipunan ng tubig. Ang mga adult mosquitoes ay gumagala sa mga madidilim na bahagi ng kabahayan. Ang mga kiti-kiti (larvae) ng aedes aegypti ay nagiging adult mosquitoes makalipas ang isang linggo. Sa kakulitan ng mga lamok na ito, hindi sila basta-basta namamatay sa pamamagitan ng fogging o pag-spray ng insecticides.
- Latest