^

Para Malibang

Kung nais mong maging glamorosa?...

Ms. Jewel - Pang-masa

Maraming mga kababaihan ang pinagtatakhan ng marami bakit tila bagyo ang kanilang dating sa mga taong nakapaligid sa kanila. Napakaraming salitang mailala­rawan sa mga ganitong uri ng babae at isa na dito ang pagiging “Glamorous”. Isa sa mga babaeng kinilala at tinaguriang pabulosa ay si Kimora Lee Simmons. Siya ay isang modelo kung saan hindi naman siya kagandahan at hindi normal ang kanyang taas bilang babae ay sumikat sa Paris at Milan sa edad na 16. Isa sa mga dahilan bakit na­ging pabulosa si Simmons ay dahil sa kanyang magandang ugali at pananaw sa buhay. Narito ang ilang paraan na makakatulong sa’yo upang maging “fabulous woman”.
Glamorosang itsura – Magkakaroon ka ng isang “glamorous look” kung mananamit ka ng damit na bagay sa’yo at hindi nagpupumilit o trying hard ang dating. Maaari kang kumuha ng ideya sa mga magazines gaya ng vogue, cosmopolitan at iba pa. Hindi mo rin kailangan na gumastos ng malaki para magkaroon ng ganitong itsura, pwede naman na gayahin mo lang ng konti ang disenyo ng isang damit o palamuti at ipagawa ito sa iyong modista sa halagang kaya lang ng iyong budget.

Glamorosang ugali – Para magkaroon ng magandang aura, dapat ay mayroon ka rin magandang pananaw sa buhay. Ang negatibong pananaw sa buhay ay nakaka-turn-off sa ibang tao, gaya ng kasabihan na “Smile and the world smiles at you”. Ngumiti ka lang lagi at ito na ang simula ng pagkakaroon ng positibong pag-uugali.

Glamorosang talento – Lahat ng tao ay mayroong kakaibang talento o magagawa. Dapat mong hanapin kung anong talento mo at saka ito ibahagi sa iba. Minsan, ang talento ng isang tao ang nagiging paraan para magkaroon ng tagumpay sa kanyang buhay.

vuukle comment

DAPAT

GLAMOROSANG

ISA

KIMORA LEE SIMMONS

LAHAT

MAAARI

MAGKAKAROON

MARAMING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with