^

Para Malibang

Insecure sa height

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Ogie, 24 anyos at binata pa rin hanggang ngayon. Noong bata ako, tampulan ako ng tukso ng aking mga kalaro. Ang dahilan, pandak kasi ako. Ako ay may taas na 4’11. Pero sa kabila ng kapintasan kong ito proportionate naman ang katawan ko at sabi ng iba, guwapo naman daw ako. Kahit maliit, hindi pormang unano na maiigsi ang biyas. Natanim sa isip ko ang kapintasan kong ito kaya hindi ako makapanligaw. Inuunahan ako ng takot na baka mabasted lang ako. Sa edad kong ito, medyo kinakabahan na ako dahil gusto ko ring magkapamilya. Sinubukan kong manligaw at maganda ang natipuhan ko. Ang taas niya ay 5’4” at maganda. hindi naman niya ako pinagtawanan, bagkus welcome akong pumunta sa kanilang bahay. Tingin ko nga ay may pag-asa ako. Pero dini-discourage ako ng aking pamilya. Baka raw matorotot ako kapag nagpaka­sal ako sa isang maganda at normal na babae. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Ogie,

Inferiority complex ang pinaiiral mo na lalo pang ginagatungan ng mga kapamilya mo na dapat sana’y palakasin ang loob mo. Huwag mong katakutan ang bagay na hindi pa nangyayari. Kung sasagutin ka ng babaeng iyan sa kabila ng iyong kapintasan, ibig sabihin mahal ka niya talaga. Go for it at huwag kang matakot. Kung magkakatuluyan kayo, mahalin mo siya at maging tapat sa kanya para mawala ang pangamba mong matorotot ka.

Sumasainyo,

Vanezza

AKO

ANO

DEAR OGIE

DEAR VANEZZA

HUWAG

INUUNAHAN

KAHIT

NATANIM

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with