Tumalon mula sa barko
Panaginip: Ang aking sister at ako ay nakasakay sa barko. Bigla siyang umakyat sa railing ng barko at tumalon sa dagat. Naiwan akong nag-iiyak. Walang tumulong sa akin para mailigtas ang sister ko.---Lila
Interpretation: Kapag nag-suicide, ibig sabihin ay sumusuko na ang isang tao sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Hindi kaya may pangyayari sa iyong buhay na basta ka lang sumuko at pinakawalan ang isang pangarap? Ito ang ipinapahayag ng eksenang pinabayaan mo lang tumalon sa dagat ang iyong kapatid at nag-iyak ka na lang.
- Latest