Nagagawa ng calcium sa’yo (1)
Calcium - Ang calcium ay isang importanteng mineral upang maging matibay ang ating buto at ngipin. Ang pagkakaroon ng mababang calcium ay nagdudulot ng rickets at osteoporosis.
Ito rin may papel ginagampanan sa pamumuo ng dugo at sa pintig ng puso.
Mayroong mga ebidensiya na nagsasabing ang calcium ay nakapagpapanatili ng maayos na presyon ng dugo at nakakapigil ng breast at colon cancer. Karamihan sa atin ay nakakakuha ng sapat na calcium sa pamamagitan ng tama at balanseng pagkain.
Gamit ng calcium - Calcium ay karaniwang matatagpuan sa antacid na ginagamit na panglunas sa impatso. Ginagamit ito ng mga doctor upang makontrol ang mataas na libel magnesium, phosphorus and potassium sa dugo. Ang calcium ay posibleng may malaking papel pero hindi pa napapatunayan na pangontra sa ilang cancer. Ito ay posible rin na ang calcium na may vitamin D ay nakakatulong labanan ang breast cancer at sa pre-menopasal ng babae pero wala pa ring matibay na datos para sa post-menopausal ng babae at ang eksaktong relasyon ng paggamit ng vitamin D at calcium ay hindi pa nalalaman. Sa katunayan, sa mga nagdaang pagsusuri sa 30,000 mga lumahok na babae na gumamit ng pinagsamang vitamin D at calcium ay nakitaan ng pagtaas ng panganib ng atake sa puso at stroke. Ayon sa pag-aaral ng Birtish Hearth Foundation may mabababang panganib ng atake sa puso at stroke ang hindi gumamit ng vitamin D at calcium suplaments. Ang calcium ay nakakapagpababa ng timbang.
‘Lung protection’
Ito ay huling bahagi ng paksa kung paano mo mapoproteksiyunan ang iyong baga.
Vitamin A - Ang mga pagkain na mayaman sa vitamin A ay nakakababa ng panganib na sumibol ang mga sakit sa baga katulad ng emphysema. Ayon sa website ng Natural Remedies Cures cites sa pangunguna ni Richard Baybutt at Kansas State University, nalaman nila na ang dagang na expose sa paninigarilyo ay mababa sa vitamin A. At ayon pa sa pag-aaral, ang mga dagang pinakain na may mababang vitamin A ay sumibol ang emphysema, isang kondisyon sa baga dulot ng paninigarilyo. Base sa natuklasan nila sa kanilang pag-aaral na nalathala sa “Journal of Nutrition†ay ang benzypyrene, na carcinogen sa sigarilyo ang sanhi ng kakulangan sa vitamin A. Ang pagkain katulad ng papaya, collard green at cantloupe ay mataas sa vitamin A.
- Latest