^

Para Malibang

Ginugutom ang mga anak

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Marjie, 28, may asawa. Ang problema ko ay tungkol sa asawa kong babaero at lasenggo. Malaki sana ang kita niya bilang supervisor pero wala kaming naiipon dahil sa mga bisyo niya. Parang nagsisisi ako ngayon. Madalas na rin kaming nag-aaway dahil sa kakapusan ng pera. Tinatakot pa niya ako na kung ayaw ko na sa kanya ay lumayas daw ako. Hindi ko naman magawa dahil sa dalawa naming anak na maliliit pa. Ngunit madalas dumanas ng gutom ang mga anak ko gawa ng asawa ko dahil ang inuuwi niyang pera ay kulang na kulang sa aming pangangailangan. Ang sabi sa akin ng magulang ko puwede akong bumalik sa kanila at isama ko ang aking mga anak. Hiwalayan ko na raw ang aking asawa. Tama ba ang payo nila?

Dear Marjie,

Kung alang-alang sa mga anak mo, sundin mo ang iyong mga magulang. Bagamat hindi natin pinapaboran ang paghihiwalay ng mga mag-asawa, pero kung ang mister mo ay taksil na at pinagkakaitan pa kayo ng sustento, may laya kang gawin ito. Kung tutuusin, ang unfaithfulness at pagiging lasenggo ay isang matibay na ground sa pagpapawalang-bisa ng kasal o annulment. Sa ngayon, ang dapat mong intindihin ay ang kinabukasan ng iyong mga anak.

Sumasaiyo,

Vanezza

BAGAMAT

DEAR MARJIE

DEAR VANEZZA

HIWALAYAN

MADALAS

MALAKI

MARJIE

NGUNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with