ALAM N’YO BA?
Alam n’yo ba na si dating pangulong George Washington ang kauna-unahang pangulo ng America na inilagay ang larawan sa postage stamp? Noong siya ay nanumpa bilang pangulo, iisa lang ang kanyang ngipin. Minsan, nagsusuot siya ng pustisong gawa sa ivory, lead at minsan ay gawa mula sa ngipin ng hayop. Mayroon din siyang anim na kabayong puti na idini-display niya sa kanyang lamesa. Iniutos niyang sipilÂyuhin ang ngipin ng mga ito tuwing umaga.
Nakarating lang ang kamote sa America noong 1492 nang dumating dito si Columbus. Noong 1918 nagkaubusan ng harina sa America habang nasa kalagitnaan ng World War I, kaya naman ang kamote ang kanilang ginamit upang maitustos sa pagkain ng kanilang mga sundalo. Ipinagdiriwang sa Benton, Kentucky ang piyesta ng kamote at ito ay tinatawag nilang “Tater Day Festivalâ€.
Ito ay ipinagdiriwang ng tatlong araw sa loob ng isang taon. Ang piyestang ito ay bilang pagkilala at pagpaparangal sa kamote.
- Latest