Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na 30 milligrams ng caffeine ang taglay ng isang pangkaraniwang laki ng chocolate? Habang 150 mg naman ang caffeine ng isang tasang kape. Ang isang buto ng kape kapag itinanim ay limang taon muna bago ito magbunga. Ang ibig sabihin ng salitang “latte†ay gatas. Ang October 1 ay kinikilalang Coffee Day sa Japan. Ang kapeng espresso ay kinikilalang importante sa pang-araw-araw na buhay sa Italy, kaya naman kailangan pang i-regulate ng kanilang gobyerno ang presyo nito. Noong 1763, mayroong 200 coffee shops sa Venice at ngayon ay mayroon ng 200,000 coffee bars sa Italy at patuloy pa itong dumarami.
Ang Jamaica Blue Mountain ang kinikilalang pinakamasarap na kape sa buong mundo. (mula sa www. Corsinet.com)
- Latest