Bata ang ka-live-in
Dear Vanezza,
Ako’y matandang binata at 57 years old. Ni minsan ay hindi ako nakatikim ng kasal dahil gusto ko ay live-in lang. Sa loob ng maraming taon, nakatatlong ka-live-in na ako. Ako lagi ang umaayaw kapag nagsawa na ako sa babae. Pero kakaiba ang ka-live-in ko ngayon. Siya na ang pinakabata sa mga naging ka-live-in ko. Mahirap lang siya at gustong makapagtapos sa college kaya ako ang sumasagot sa kanyang pag-aaral. Pero natuklasan kong may bf siya na classmate niya. Nang tanungin ko siya ay hindi naman siya nagkaila. Diniretsa niya ako na gusto lang niyang makapag-aral kaya siya pumatol sa akin. Umiyak siya kaya naawa naman ako. Sabi niya payag daw siyang magsilbing “asawa†ko habang pinag-aaral ko siya. Sa opinion mo, dapat ko bang ipagpatuloy ang relasyong ganito sa kanya? - Zandy
Dear Zandy,
Sa edad mo, ano pa ba ang aasahan mo sa isang gf na kasing bata ng kinakasama mo ngayon? Nasisiyahan ka sa pagkakaroon ng isang batambatang ka-live-in pero susuklian mo iyan sa ibang paraan. In your case, pinag-aaral mo siya.
Mali na ipagpatuloy mo ang relasyon sa kanya. Ang pagkakaroon ng asawa ay dapat may kalakip na mutual love. Mahal mo siya, mahal ka nya. Hindi problema ang agwat ng edad basta’t may elemento ng tunay na pag-ibig ang bawat isa. Pero kung sinusuklian mo lang iyan ng materyal na bagay, maling-mali. Kung talagang gusto mong tulungan siya sa pag-aaral, hiwalayan mo na siya at ituloy ang pagtataguyod sa kanyang edukasyon nang walang kapalit. Huwag mong samantalahin ang kanyang kabataan at kahirapan. Pagpapalain ka pa kung magkagayon.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest