‘Black Angel’ (29)
TUMAYO sa ulap ang Black Angel, nagpalakad-lakad doon, tuloy pa rin sa pag-analisa sa sarili at kina Richard at Wendy.
“Mabuti nga at ibinalik ni Lord ang power of speech ko, muli akong nakapagsasalita… pero alam kong hindi madali na ako’y Kanyang tuluyang mapapatawad. Ang alam ko—ang kapatawaran ay ibinibigay sa mga taong buhay pa—na nakapagsisi nang taimtim bago namatay…â€
Pero desidido ang Black Angel na tuparin ang misyon—na maibalik sa tamang daan sina Richard at Wendy.
“Okay na rin po na ako’y itim na anghel, Panginoon. Basta po gagawa ako ng kabutihan sa mga tao—kahit po bawal ako sa Iyong paraiso.†Taos ito sa puso ng nilalang na may mga pakpak.
Tinanaw niyang muli sa ibaba sina Richard at Wendy. Kahit 36, 000 feet ang taas mula sa lupa, kita ng Black Angel ang estado ng dalawa sa super-liit na isla.
“Hubad na hubad pa rin sila, hindi pa naÂtutuyo ang mga damit na nakabilad…â€
Inalis agad niya ang tingin laluna sa katawan ni Wendy; ayaw na niyang magkasala.
“Hinding-hindi ko na po Kayo susuwayin, Panginoon, laluna tungkol sa sex. Itatakwil ko na po ang kahalayan,†matatag niyang deklara, nakatingala sa langit.
SINA Richard at Wendy ay nakatulog sa pagkakahiga sa lupa. Magkatabi silang nakabuyangyang ang ‘kabuhayan’.
Hindi nila naisip na mag-sex. Ang gutom at uhaw at puyat ang gumapi sa paghahangad nila ng kamunduhan.
Bago gumabi ay tuyo na ang damit, nagbihis na sila.
“Richard, mamamatay na yata ako sa gutom at uhaw. Kumakalam na talaga ang tiyan ko.†Hinang-hina na si Wendy.
Panay ang tanaw ni Richard sa dagat at sa langit. Naghahanap siya ng barkong maliligaw; umaasam ding lilitaw ang Black Angel para sila alisin na sa super-liit na isla.
Bigo pa rin ang Black Angel. Nababasa niya mula sa kaulapan ang laman ng isip nina Richard at Wendy. Patuloy na ayaw pang magsisi ng dalawang mortal na naliligaw ng landas.
- Latest