Alagaan ang iyong mata (1)
Huwag balewalain ang pangangalaga sa iyong mata. Protektahan ang paningin sa pamamagitan ng mga sumusunod na gabay sa tamang pangangalaga:
1. Kumain ng tama para sa maayos na paningin
Ang pangangalaga sa mata ay nagsisimula sa iyong mga kinakain. Ayon sa mga pag-aaral ng mga dalubhasa na ang nutrients katulad ng omega-3 fatty acids, lutein, zinc at vitamin C at Z para maiwasan ang anumang sakit sa mata dulot ng katandaan katulad ng mascular degeneration at katarata. Ang pagkain ng regular ng mga masusustansiyang pagkain ay makakatulong upang maging maayos ang paningin.
Berde at madahong gulay katulad ng spinach, kale, at collards
Salmon, tuna, at iba pang oily fish
Itlog, nuts, beans, at iba pang non-meat na mayaman sa protina
Oranges at iba pang citrus fruits at juices
Ang balanseng pagkain ay nakakatulong na maÂmentina ang tamang timbang upang makaiwas sa sobrang katabaan na nagreresulta sa dyabetis. Ang dyabetis ay nangungunang sanhi ng pagkabulag sa mga nagkakaedad.
2. Iwasan ang paninigarilyo para sa maayos na paningin
Ang paninigarilyo ang sanhi ng katarata, pinsala sa optic nerve, at mascular degeneration.
3. Gumamit ng sunglasses para sa maayos na paningin
Ang tamang uri ng sunglasses ay makakatulong upang maprotektahan ang mata sa araw na nagdudulot ng ultraviolet rays.
Ang sobrang paglantad sa UV ay maaring maging sanhi ng katarata at mascular degeneration.
Pumili ng tamang sunglasses na makakaharang ng 99 hanggang 100 porsiyento sa UVA at AVB rays. Polarized na salamin ay makakabawas sa nakakasilaw na liwanag habang nagmamaneho.
May roong mga contact lenses na may UV protection pero mas mainam pa ring gumamit ng sunglasses para sa mas protektadong mata.
4. Gumamit ng proteksiyon habang nasa bahay, sa trabaho at iba pang pinagkakaabalahang gawain. (Itutuloy)
- Latest