^

Para Malibang

Kinaliwa ang ka-live-in

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Hindi ko po alam kung bakit nagawa kong kaliwain ang aking live-in partner. Noong una, ang akala ko nakipag-live-in ako sa kanya para lang magkaroon ako ng isang taong magmamahal sa akin na kahit hindi ko mahal ay matututunan ko ring mahalin dahil sa kanyang kabaitan. Pero natukso ako. Maaaring nagawa ko iyon dahil la­ging abala sa trabaho ang kinakasama ko. Lalo na ng magkaroon kami ng anak. Nakilala ko siya sa pinagtatrabuhan kong restaurant. Isa akong waiter siya ay cook. Kapwa kami ulila. Wala ka­ming kamag-anak dito sa Maynila. Maayos naman ang aming buhay. Pero dahil nga walang panahon sa akin ang aking asawa, laging maagang gumi­sing at matulog, isang customer ang nakatukso sa akin. Hindi pa naman noon malala ang problema dahil patuksu-tukso lang at pahipo-hipo sa kamay ang nahuli ng asawa ko na ginagawa ng customer. Hindi niya ito nagustuhan kaya pinahinto niya ako sa trabaho. Kung napatawad niya ako sa a­king “kalandian”, ang huling insidente ay hindi na niya matanggap. Nahuli niya kami at ng bago kong “fling” na nagsisiping sa aming silid. Tulog na noon ang aming anak na isang taon pa lang. Pinalayas niya ako. Ipinagtabuyan at hindi niya ipinadala sa akin ang aming anak. Tinangka kong humingi ng tawad pero matigas ang kanyang desisyon. Hindi na niya ako gusotng makita pa. Ayaw ng lumambot ng kanyang puso. Noon ko lang na-realize ang bigat ng aking pagkakasala. Nagsisisi ako. Ngayon ay muli akong namumuhay mag-isa. Nagtatrabaho uli bilang waitress sa ibang lugar. Umaasa ako na balang araw ay mapapatawad din nya ako. Nakilala ko rin na mahal ko ang aking asawa. Kaya lang nawala na ang pagmamahal niya sa akin. Sa tingin n’yo mapapatawad pa kaya niya ako? - Marcy

Dear Marcy,

Masuwerte ka na mabait ang iyong asawa dahil hindi ka sinaktan at ang lalaking kasiping mo. Marahil, sa sandaling maghilom na ang sugat na nalikha ng iyong kataksilan, saka ka lang niya mapapatawad. Ipakita mong nagbago ka na. Huwag kang magsawa ng paghingi ng patawad at ipakita mo ring mahal mo ang iyong anak. Subaybayan mo ang kapakanan ng iyong anak. Kahit ka ipagtabuyan, tanggapin mo ang consequence ng iyong ginawa. Marahil, kapag nakita n’yang kailangan ka ng iyong anak baka magbago ang kanyang trato sa iyo.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

AKO

ANAK

DEAR MARCY

DEAR VANEZZA

MARAHIL

NAKILALA

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with