^

Para Malibang

Kung ikaw ay ‘di niya mapagkakatiwalaan(2)

Ms. Jewel - Pang-masa

Ito ay ikalawang bahagi ng paksa hinggil sa kung paano ka magiging matapat sa iyong kaibigan at hindi mo siya itsitsismis sa iba. Narito ang ilang paraan para  makawala ka sa ganitong sitwasyon:

Komprontahin ang sarili – Upang hindi mo na ito muling magawa sa sinuman sa iyong mga kaibigan, dapat mong bigyan ng leksiyon ang iyong sarili para matigil na ang pagiging traidor mo sa iyong mga kaibigan at mangako na hindi mo na ito uulitin pa.

Mag-isip mabuti – Kung ugali mo na ang pagiging madaldal o pala­kuwento, dapat ay magsanay ng paglalagay ng pansala sa iyong utak sa pamamagitan ng pag-iisip mabuti bago maglabas ng anumang salita  mula sa iyong bibig. Isipin mo kung hinihingi ba ng pagkakataon na sabihin mo ang isang impormasyon.

Magpasuri -  Kung sa tingin mo ay hindi mo kayang gamutin ang pagiging tsismosa sa sarili mo ang, bakit hindi ka kumunsulta sa isang propesyunal na makakatulong sa’yo hinggil dito? Para matukoy mo anong problema sa iyong pag-uugali at ang pagkakalat ng tsismis.

Linisin ang iyong konsensiya – Kung sakaling hindi mo na matagalan ang tawag ng iyong konsensiya dahil sa iyong ginawang pangtsitsismis sa iyong kaibigan, maaari ka naman humingi sa kanya ng tawad. Huwag ka ng magturo ng mali ng iba, bagkus ay akuin ang iyong pagkakamali at pagsisihan ito ng lubusan para magkaroon ng tunay na “healing” sa inyong sa pagkakaibigan. (Itutuloy)

vuukle comment

HUWAG

ISIPIN

ITUTULOY

IYONG

KOMPRONTAHIN

LINISIN

MAGPASURI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with