Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na ikaapat ang baboy sa listhan ng matatalinong hayop? Habang ang Chimpanzees kasama ang gorilla, orangutan, baboon, gibbon at unggoy ang itinuturing na numero unong matalino. Pangalawa naman ang dolphins at mga pating. Ang baboy din ang isa sa mga hayop na unang inalagaan ng mga Chinese 6,000 taon ng nakakaraan.
Si Hernando de Soto ang sikat na Spanish explorer ang nagdala ng baboy sa North America noong 1539. Mayroong 15 uri ng baboy at dalawang bilyon ang baboy na inaalagaan sa mundo. Bagama’t kilala bilang matakaw, hindi naman kumakain ang mga baboy ng sobra sa kanilang kabusugan.
- Latest