ALAM N’YO BA?
Alam n’yo ba na maraming importanteng kasaysayan ang naganap sa buwan ng Agosto? Isa na rito ang pagbomba sa Hiroshima noong World War II – Agosto 14,1945. Nilagdaan ni dating US president Franklin Roosevelt ang Social Security Act ng Amerika noong Agosto 14,1935. Bukod dito, may mga ipinagdiriwang din tuwing buwan ng Agosto, gaya ng Catfish month; Eye Exam and Cataract Awareness. Ang peridot naman ang birth stone ng mga taong nagdiriwang ng kanilang kaarawan tuwing Agosto. Bukod sa peridot, isa pang birth stone nila ay ang sardonyx at jade. Ang gladiolus naman ang kanilang birth flower na sumisimbolo sa sinseridad at malakas na personalidad. Ang pangalan ng bulaklak na ito ay kinuha mula sa mga “gladiators†dahil ang katawan ng bulaklak na ito ay mahaba gaya ng espada ng mga gladiators. Madali namang itanim ang bulaklak na ito at makikita itong may iba’t ibang kulay. (mula sa yahoo voice/ trivial facts)
- Latest