De-kalidad na pagtulog (2)
Ito ay karugtong ng paksa kung paano ka magkakaroon ng may kalidad na pagpapahinga sa pamamagitan ng pagtulog ng maayos. Narito pa ang ilang hakbang:
4. Iwasan ang “pagbawi ng tulog†sa pamamagitan ng matagal na pagtulog tuwing may libreng oras. Ang ganitong pag-uugali ay makapagpapanibago sa panloob na orasan ng katawan.
5. Iminumungkahi rin ang pag-iwas sa pagtulog nang marami ang iniisip. Kung gagawa ng iskedyul sa kung ano ang mga dapat na gawin kinabukasan, gawin ang mga ito nang ilang oras bago mahiga upang magkaroon ng preskong pag-iisip.
6. Gawing permanenteng lugar ang silid upang tulugan. Hindi magandang ideya na gawin ang silid tulugan bilang kuwentahan ng utang, mga trabahong iniuwi na dapat matapos, at iba pa. Tulungan ang katawan at isipan na ang silid-tulugan ay para sa pagpapahinga sa pagtulog lamang.
7. Huwag bumangon nang mas maaga kaysa sa talagang gising. Kapag nagising nang mas maaga, piliting makatulog muli.
- Latest