Nahahati na ang puso para sa iba...
Dear Vanezza,
Isa akong hotel receptionist. Mayroon akong kasintahan sa probinsiya. Mula pa noong high school ay magkasintahan na kami. Nagkahiwalay lang kami nang mag-aral ako sa Maynila. Minsan sa dalawang buwan ay nagpupunta ako sa amin sa Leyte. Sabi ko sa bf ko, kaunting panahon na lang ang hihintayin namin dahil gusto kong maging stable financially sa aming future. Akala ko ay mananatili akong tapat sa aking bf pero dumating sa buhay ko ang isang lalaking masyado akong na-attract. Isa siyang American mula sa New York, negosyante at napakayaman. Feeling ko’y talagang in-love ako sa kanya. Mapang-akit ang kanyang blue eyes at matamis kung magsalita. Ngunit kapag naiisip ko ang aking bf ay nagkakaroon ako ng feeling of guilt. Iniisip ko, halos 10 taon kaming magkasintahan tapos mauuwi na lang sa wala ang aming relasyon. Naiisip ko rin na labis siyang masasaktan kung ipagpapalit ko siya sa iba. Para akong naiipit sa dalawang pag-ibig. Hindi ko pa sinasagot ang foreigner na manliligaw ko. Pero ang alok niya ay isasama niya ako sa Amerika para i-manage ang kanyang hotel doon. Naguguluhan ako. - Abby
Dear Abby,
Masakit sa bf mo kung iiwanan mo siya at ipagpapalit sa iba na kailan mo lang nakilala, samantalang kayo ng bf mo ay nagkarelasyon sa loob ng 10 taon. Hindi magtatagal ang relasyon kung hindi tunay at tapat ang pag-ibig. Kaya timbangin mo ang iyong damdamin. Wala kayong pinag-awayan ng iyong bf kaya wala akong makitang dahilan para ipagpalit mo siya sa iba. Kunsabagay, bawat tao ay may karapatang mamili ng mapapangasawa. Pero ginagamitan din ng talino ang pagdedesisyon. Sa kaso ng bago mong manliligaw, ngayon mo lang siya nakilala. Isa siyang dayuhan at hindi ka nakatitiyak sa iyong magiging future sa piling niya. Isipin mo ang mga babaeng nag-asawa ng foreigner na kung kailan lang nakilala at napariwara ang buhay. Yung iba’y naÂging sex slave pagdating sa ibang bansa. Mas mabuting maging tapat ka sa iyong present bf. Pero siyempre, nasa iyo pa rin ang huling desisyon.
- Latest