^

Para Malibang

Hindi pinapansin ng crush

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

May nagugustuhan po akong lalaki. Classmate ko siya sa college. Kaso, dalawang buwan ko na siyang kaibigan pero ni hindi nagpaparamdam. Tuloy parang gusto ko ako na ang magparamdam. Walang ibang nakakaalam na crush ko siya. Kahit ang pinakamatalik kong kaibigan. Nahihirapan na ako sa aking katayuan. Mahirap pala na umibig tapos hindi ka pinapansin ng mahal mo. May paraan ba para mapansin niya ako? - Nika

Dear Nika,

Hindi maganda sa isang dalagang tulad mo na “magparamdam” sa lalaking nagugustuhan mo. Tandaan mo na ang babae ang hinahabol ng lalaki. It is not the other way around. Kahit malaki ang gusto mo sa kanya, hindi mainam na ikaw ang magpakita ng motibo sa lalaki. Kasi bababa ang pagtingin sa iyo ng tao. Maghintay ka. Panahon lamang ang makapagsasabi kung liligawan ka ng crush mo o hindi. Kung hindi, huwag mong ipagpilitan ang iyong sarili. I’m sure may iba pang lalaki na makakapansin at liligaw sa iyo basta huwag ka lang magmadali.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

DEAR NIKA

DEAR VANEZZA

KAHIT

KASI

KASO

MAGHINTAY

MAHIRAP

NAHIHIRAPAN

NIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with