^

Para Malibang

Nakarma na...

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Lonely 37, hiwalay sa asawa. Mayroon akong isang anak pero kinuha siya ng aking asawa. Ibinigay ng korte ang custody sa aking asawa dahil ako raw ang unang nagtaksil. Inaamin kong nagkamali ako sa aking ginawa pero matagal ko na itong pinagsisihan. Nagkaroon ako ng relasyon sa ibang lalaki. Nagkahiwalay din kami dahil may nakilala siyang ibang babae. Ito marahil ang tinatawag na karma. Kung ano ang itinanim ko ay siya kong inaani ngayon at doble ang sakit. Mahal ko pa rin ang aking asawa pero under process na ang inihain niyang annulment. Ngayon, pati mga kapitbahay ko’y napakaliit ng tingin sa akin. Ibig kong makita ang anak ko pero ipinagkakait ng aking asawa. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Lonely 37,

Anuman ang kasalanan mo ay dapat binigyan ka ng visitation right ng korte. Siguro kung magagawa mong makausap ang iyong asawa ay ipakiusap mo iyan. Sana’y magsilbing aral sa iyo at sa ibang mambabasa ang iyong kasaysayan. Talagang ang kasalanan ay may kaakibat na consequence na kadalasa’y masakit. Maraming tukso sa paligid pero tao pa rin ang magdedesisyon kung ang tama o maling landas ang kanyang tatahakin.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANO

ANUMAN

ASAWA

DEAR LONELY

DEAR VANEZZA

IBIG

IBINIGAY

INAAMIN

MARAMING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with