ALAM N’YO BA?
Alam n’yo ba na ang pinakamahirap na bansa sa mundo ay ang Mozambique? Sinira kasi ng civil war at malawakang tagtuyot ang kanilang ekonomiya. Ang Time Warner ng New York ang pinakamalaking publishing company sa buong mundo. Ito ay may 9,600 empleyado at may sales noong 1991 na $3 bilyon. Ang “If†ni Rudyard Kipling (1865-1936) ang pinakasikat na tula sa buong mundo. Ito ay unang nai-published noong 1910 at naisalin na sa 27 wika. Ang paggamit ng toothpaste na may sangkap na panlaban sa tartar ay maaaring magdulot ng mantsa sa kutis ng iyong mukha, kaya mahalagang pagkatapos magsipilyo ay maghilamos mabuti ng iyong mukha. Sa America, nakakabenta ang mga manufacturers ng dental floss ng halos 3 million miles nito noong 1996.
- Latest