Bakit maraming nabubuntis? Third to the last part
Sterilization - Ang sterilization ay isang procedure o operasyon na ginagawa at permanente na ito. Sa sterilization procedure, isinasara o binabarahan ang fallopian tubes ng babae. May ilang paraan ng pagsasara ng tubes.
Ang isang paraan ay itinatali at pinuputol ang tubes na tinatawag na tubal ligation. Puwede ring selyuhan ang fallopian tubes gamit ang instrument na may electrical current. Puwede ring isara ito ng clips, clamps, or rings. Minsan, ang maliit na bahagi ng tube ay tinatanggal
Minsan, may inilalagay sa tubes para tumubo ang mga tissue na babara sa tubes. Ang eggs ay nanggagaling sa ovaries ng babae na lumalabas isang beses isang buwan. Dumadaan ito sa fallopian tubes papuntang uterus. Sa pamamagitan ng sterilization nababarahan ang tube kaya hindi mabubuntis dahil hindi mape-fertilize ng egg ang sperm.
Vasectomy - Ang Vasectomy ay isang uri ng birth control para sa mga lalaki na permanente. Ang vasectomy ay isang procedure kung saan binabarahan ang tubes na dinadaanan ng sperm. Kapag barado ang tube, hindi makakalabas ang sperm kaya hindi mabubuntis. Ang sperm ay nanggagaling sa testicles. Dumadaan ito sa dalawang tubes na tinatawag na vasa deferentia patungo sa ibang glands at humahalo sa seminal fluids para maging semen. Binabarahan ng vasectomy ang vas deferens para hindi humalo ang sperm sa semen. Ang sperm ay naa-absorb ng katawan imbes na i-ejaculate. Kung walang sperm, walang mape-fertilize na egg, walang mabubuntis.
- Latest