^

Para Malibang

‘The beautiful ones’ (19)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAPATINGIN sa umaawit sa dilim, sa kalapit na riles ng tren, ang mga naglalamay sa patay.

Maganda ang tinig ng babaing mahugis ang katawan, halatang naka-sexy evening gown.

May karakter ang tinig ng zombie na dating reyna ng talipapa. “…Oh…tuksooo…layuan…mo…akooo…”

“Pero bakit kaya napakabagal ng tempo?”

“At bakit nasa di­lim…?”

Nagbulungan. “Tara, lapitan natin! Baka naghahanap ng good time!”  Iba ang interes ng tatlong la­laki; pawang nakai­nom sa lamay.

Pasimpleng tinu­ngo na ang kinaroroonan ng umaawit.

“Kapag maganda, yariin agad natin. Hilahin sa talahiban.” “At kapag pangit…?”

“Suntukin at itali sa riles ng tren!”

“Ha-ha-ha-haa!” Tawanan ang tatlong tarantado.

Nakikita ng reyna ng talipapa ang palapit na mga lalaki. Mula naman sa di-kalayuan, sa van, nakikita ni Oreo ang nagaganap. Kasama niya ang mga zombie; nananabik na namang kumain ng taong buhay. Naglalaway na ang mga ito. “Ngizzz. Ngaarrll.”

Nakalapit na ang tatlong tarantado. Namangha sa hugis ng katawan at ganda ng mukha ng umaawit.

Pinalibutan agad ito. “Miss, gud ibning! Ang ganda-ganda mo kahit super-maputla ang make-up mo”.

“Pulbo ba ‘yan o arina ng tinapay?”

“He-he-he. Para ka tuloy magandang zombie…”

“Zombie…nga…ako…” sagot ni Talipapa Queen, sabay tabingi ng ulo at nga­nga ng bibig.

Nanayo ang buhok ng tatlong tarantado, nawala ang kalasi­ngan. Nakita na yata ang impiyerno sa mga mata ng zombie.

Pero isa agad ang nadakma ng reyna ng talipapa. “Huli…ka…”  Nakagat agad sa leeg.  “Ngazabb. Ngazabb.”

Nginalot ang mukha ng biktima. “Krantzz. Krantzz.”

 (ITUTULOY)

 

 

 

 

BRVBAR

HILAHIN

HULI

KAPAG

KRANTZZ

NGAZABB

PERO

TALIPAPA QUEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with