Para ikaw ay magkatrabaho
Kapag nagkakaedad na ang isang tao isa sa mga naapektuhan ay ang kanyang “sex lifeâ€. Ang iba pa nga ay kung anu-anong iniinom para lang magkaroon ng libido. Narito ang ilang paraan na ginagawa ng mga tao noong unang panahon para magkaroon ng gana sa sex.
Dugo ng cobra - Ayon sa ilang pag-aaral, ang dugo ng ahas, lalo na ng cobra ay mahusay na “mood enhancer†at ginagamit na gamot sa ilang sakit. Sa Indonesia, kung bibilhin ang dugo ng ahas, ito ay nagkakahalaga ng INR 500,000 – 1 milyon.
Artichokes – Bakit hindi mo subukan kumain ng artichokes? Kapag kumain ka daw nito, mas magiging maganda sa iyong paningin ang iyong partner at tiyak na magkakaroon ka ng “mood†para sa kanya. Ayon sa isang website, ang artichoke ay mula sa Greek god na si Zeus. Nagalit kasi siya sa babaeng kanyang gusto, matapos na hindi nito tanggapin ang kanyang pag-ibig, kaya ginawa niyang artichoke ang babae. Naniniwala ang mga matatandang griyego na maraming benepisyong makukuha dito bilang aphrodisiac, pampabango ng hininga at pang-alis ng mabahong amoy sa kilikili.
Penis ng tigre – Bagama’t wala pang matibay na paliwanag o patunay na ang pagkain ng ari ng tigre ay sex enhancer din, marami pa rin naniniwala dito lalo na sa mga bansang Vietnam, China at Cambodia. Kapag kumain ng ari ng tigre ay para ka na rin umanong uminom ng Viagra.
Sili – Kahit ang mga Pinoy ay naniniwalang may magandang dulot ang sili pagdating sa sex. Ang taglay kasi nitong capsaicin ang siyang responsible kaya nakakaramdam ng pagpapawis, pagbilis ng tibok ng puso at daloy ng dugo sa katawan. Ang pakiramdam na ito ay kagaya rin kapag nakakaramdam ng “sexual arousalâ€.
- Latest