Bakit maraming nabubuntis? Last part
Vaginal Ring
Ang vaginal ring ay maliit na flexible ring na ipinapasok sa vagina, isang beses, isang buwan para makaiwas sa pagbubuntis. Hindi ito tinatanggal sa loob ng tatlong linggo at inaalis sa huling linggo ng buwan. Tulad ng ibang birth controlmethod, nagÂlalabas ito ng hormones tulad ng nasa birth control pill na estrogen at progestin para hindi lumabas ang egg sa ovary. Dahil dito walang mape-fertilize na egg ang sperm. Pinapakapal din ang cervical mucus kaya hindi makakarating ang sperm sa egg.
Cervical cap - Ang cervical cap ay silicone cup na parang sombrero na ipinapasok sa vagina. Ang cervical cap ay ginagamit para hindi mabuntis dahil pinipigil nito ang sperm na mafertilize ang egg. Para mas epektibo, ginagamit ito na may kasamang spermicide cream o jelly. Hinaharangan ng cervical cap ang opening ng uterus at pinipigilan naman ng spermicide ang paggalaw ng sperm.
- Latest