‘The beautiful ones’ (18)
WALANG kaalam-alam si Oreo, ang tiyuhin niyang paghihigantihan nang husto ay nagbalik-loob na sa Diyos; nagsisi na ng lahat na kasalanan.
Hardinero ito sa simbahan, banal na.
Naalala ang pang-aapi kay Oreo. “InginudÂngod ko sa pusali si Oreo, dahil lang nagkamali ng timpla ng kape ko…napakasama ko, Panginoon.â€
NAALALA ring lahat iyon ni Oreo. Kausap ang magagandang zombies. Nasa terrace sila ng bahay ng bakla. “Nangapal ang batok ko noon, dahil sa walang katapusang dagok ni Tiyo Berong. Noon namang natalo siya sa sugal, pinilantsa ako sa pigi.â€
Nakikinig lang ang mga zombie, no reaction.
“Hollywood actress, ikaw ang pupronta kay Tiyo Berong. Makakakita siya ng seksing patay bago ninyo siya gugutayin.â€
Tumango si Hollywood actress. No problem daw.
“Ikaw naman, dirty politician, kukuliliin mo ang tenga ni Tiyo Berong—sa talumpati mo.â€
Nag-thumbs up si Dirty Politician.
“General Forgotten, Heneral Kopong, ito-torture mo si Tiyo Berong. Ibitin mo, paluin mo ng tubo, hiwain mo ang kanyang ano.â€
“Ano…ang…hihiwain…?â€
Ibinulong ni Oreo; Natawa ang zombie. “Har-har-harr.â€
Biglang nakiusap ang reyna ng talipapa. “Boss…Oreo…baka…puwedeng…kumanta...ako…sa…tiyangge?â€
Napataas na naman ang kilay ng bakla. “Wirdo ka talaga, Miss Talipapa Queen. Noon gusto mong kumain ng sinigang na bangus sa miso. Ngayon naman, nais mong kumanta.â€
Hindi sa tiyangge, sa lamay sa patay papupuntahin ni Oreo ang magandang talipapa queen.
Binihisan niya ito ng bonggang evening gown. Pero nanatiling mukhang zombie, a beautiful living dead.
Lamay ng patay sa tabi ng riles ng tren ang tinapatan ni Talipapa Queen. Sa dilim siya nagsimulang kumanta.
Narinig ang malamÂyos na tinig sa malamig na gabi. “Maalala…mo…kaya…ang…sumpa…mo…sa…akin…â€
Napalingon sa gawi ng riles ang mga nakikipaglamay, nakita ang hugis ng magandang babaing umaawit. (ITUTULOY)
- Latest